Lakbay Sanaysay
Itong sanaysay na ito ay nagtataklay kung saan ako ay nakalakbay na sa labas ng Cebu at ito'y nagpapamangha sa akin, sa unang gabi palang bago kami mobyahe patungong Dumaguete ay wala kaming tulog kase yung aunte ko na umuwi galing sa London nag cecelebrate sila sa pagdating ng aunte ko, kaya halos wala kaming tulog. Magdamag kaming nagkekwentohan at hanggang sa nagmadaling araw na ay nagsimula na kaming mag impake at naghanda na para sa mahabang haba na byahe. Sa unang araw ay hindi pa kami nakarating sa pinagtutungohan ay pagod na pagod na kami dahil sa walang tulog at wala pang kain ay bumyahe na agad kami, halos limang oras kaming nakaupo sa bus dahil malayo layo pa ang dumaguete. Sa limang oras na iyon ay namamangha ako sa mga tanawin na nakikita ko, may mga puno,bundok, at mga nakakamanghang simbahan na napakatagal na panahon ng itinayo.
Pagkatapos naman sa limang oras ng pababyahe sa bus ay bumaba na kami at bumili ng ticket para sa barko, sampung minuto lamang ang e babyahe ng barko patungong Dumaguete kaya excited ako kase first time kong magtravel sa labas ng Cebu at sasakay ng barko. Kaya hindi ko talaga pinalagpas ang mga sandaling iyon kasi minsan lang ito mangyari sa buong buhay ko, kaya sumakay na agad kami. Nung bumaba na kami sa barko ay huminto muna kami sa may simbahan dahil mag sisimba kami, nagpapasalamat sa Diyos dahil ligtas kaming nakarating sa pinagtutungohan namin. Nung nakarating na kami ay kahit saang lugar kami pumupunta at kumakain sa magarbong restaurant. Napakasaya ko lalo na at kasama ko ang aking mga Pamilya, hinding hindi ko makakalimutan ang mga sandaling iyon. At sa susunod pa na taon ay sana makapaglakbay ako kahit saan.